Coco- copy copy

MAGHAPON kaming nasa Makati City noong Martes at bukambibig ng halos lahat ng nakausap naming corporate people ng isang malaking kumpanya ang FPJ’s Ang Probinsyano at dahil nalaman nila na entertainment writer kami ay iisa ang tanong sa amin, ‘bakit pinatay si Lolo Delfin?’

Sabi namin, baka hanggang doon na lang ang kuwento ni Lolo Delfin at bibigyan na siya ng ibang project o baka napagod na kasi halos isang taon na ang aksiyon-serye ni Coco Martin.

Magpapalagay na raw sila ng TV plus sa mga sasakyan nila para napapanood pa rin nila ang Ang Probinsyano kasi nasa trapik pa sila kaya tinanong kami kung may discount ba ang TV plus kapag sa ABS-CBN mismo bumili o kung may kakilala na maaari nilang kontakin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ending, napatawag tuloy kami kay Myan Vera Marucut ng ABS-CBN Corporate Communication department para alamin ang tungkol sa discount at ipinasa naman kami sa taong in-charge rito. Hayun, sila na ang makikipag-coordinate sa mga suki ng Probinsyano na marami palang bibilhin.

Tiyak na matutuwa ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez dahil puring-puri ng mga kausap namin si Arjo Atayde bilang kontrabida ni Coco.

“Hayup ‘yung mata nu’ng Arjo, lahat nagkakasayahan, siya nakangiti pero mapakla at ‘yung mata lang niya ang gumagalaw. ‘Tapos ‘yung eksenang nabaril si Lolo Delfin, lahat aligaga at nag-iiyakan na, ‘yung Arjo, wala lang, nakatingin lang. Magaling siyang kontrabida talaga, bagay sila ni Coco magsama sa pelikula,” sabi sa amin.

Puwede ngang gumawa ng pelikula sina Coco at Arjo o isama siya sa pelikulang Utol na planong i-remake ng Primetime King kasama si Cesar Montano.

Samantala, bukod sa 42.4% versus 21% sa national TV rating ng Ang Probinsyano kontra Encantadia noong Lunes, panalo pa rin ang una noong Martes sa 44.2% versus 19.6%, ayon sa viewership survey data ng Kantar Media.

Malayo pa ang itatakbo ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya mas natsa-challenge lalo si Coco kasama ang creative people ng Dreamscape Entertainment sa mga bubuuin nilang episodes at susunod pang guests na pawang malalaki ang pangalan sa showbiz.

Umaani ng mga papuri ang pagpasok ni Cesar Montano sa serye. Ibang-iba raw talagang kumilos si Cesar, astig na astig at matched na matched sa kaastigan din ni Coco.

Paakyat ang ratings ng episode ngayong linggo, kaabang-abang kung hanggang saan ang iaakyat nito. (REGGEE BONOAN)