ISTANBUL (AFP) – Inaasahang ipagpapatuloy ng Turkish government ang pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbabalak ng rebelyon nitong Martes.
Umabot na sa mahigit 7,500 katao ang idinetine ng Turkey at halos 9,000 opisyal sa walang humpay na pagpurga sa mga pinaghihinalaang coup plotters laban kay President Recep Tayyip Erdogan sa pangakong buburahin ang ‘’virus’’.
Pinagbintangan ni Erdogan ang karibal nitong si Fethullah Gulen, isang Turkish preacher na naninirahan sa US, na nasa likod ng tangkang pang-aagaw ng kapangyarihan na ikinamatay na ng mahigit 300 katao, at hiniling sa Washington na i-extradite ang huli.