Turkey Military Coup

ANKARA, Turkey (AP) — Binulabog ng sunud-sunod na pagsabog, air battles at umalingawngaw ang walang puknat na putok ng baril nang ikudeta ang pamahalaan ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Ayon kay Gen. Umit Dundar, bagong acting chief ng general staff, aabot sa 194 ang nasawi, ilan dito ay mga pulis na humarang sa mga sundalong rebelde.

Kasabay ng pagdedeklara ng martial law, sinabi ni Erdogan na ginagawa ang lahat ng kanyang gobyerno upang matigil at matalo ang kudeta. Sa buong magdamag, sinabi ng pamahalaan dito na napigil at halos kontrolado na ang kudeta, gayunpaman, hindi pa rin natapos ang matinding bakbakan sa Ankara at Istanbul kinaumagahan, kung saan hindi nakaligtas sa bomba ang parliament complex.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sa kanyang pagsasalita sa national television, sinabi ni Erdogan na isa-isa nang inaaresto ang mga sundalong sumusuporta sa kudeta. “They will pay a heavy price for their treason to Turkey,” ayon sa statement mula sa tanggapan ni Erdogan. “Those who stain the military’s reputation must leave. The process has started today and it will continue just as we fight other terrorist groups.”

Sinabi naman ni Prime Minister Binali Yildirim na umaabot na sa 120 katao ang inaresto. Dinukot din ng coup plotters ang secretary general ni Erdogan.

Nanawagan si Erdogan sa mga sumusuporta sa kanyang gobyerno na lumabas sa kalye at harangan ang mga sundalong nagkukudeta.

Mabilis din ang naging reaksyon ni US President Barack Obama na humihiling na suportahan ang “democratically elected government” sa Turkey.

Nakipag-usap na rin umano si NATO Secretary-General Jens Stoltenberg kay Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu at nanawagan ng respeto sa demokrasya.