Patay matapos makipagbakbakan sa pulisya ang number one drug personality sa General Trias, Cavite, makaraang mauwi sa shootout ang buy-bust operation ng pulisya, nitong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na text message mula sa Cavite Police Provincial Office Public Information Office, pasado 9:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya, sa pamumuno ni Supt. Sandro Tafalla.

Nilusob ng mga pulis ang Barangay Biclatan, target ang suspek na si Ranilo Anunuevo, na nangunguna sa listahan ng drug personalities sa General Trias, pero habang isinasagawa ang transaksiyon ay bigla itong bumunot ng .45 caliber pistol at pinaputukan ang awtoridad.

Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa tumumba ang suspek.

National

KMP Chair Ramos sa Martial Law anniv: 'Nevel Again, Never Forget!'

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Anunuevo, na nakumpiskahan ng nasabing baril at ilang sachet ng shabu.

(Beth Camia)