Labing-apat na pagyanig ang naitala sa Mt. Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24-oras.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig, naitala rin ang 70-metrong taas ng white steam plumes na ibinuga ng bulkan at ito ay ipinadpad sa hilagang-kanlurang bahagi ng Mt. Bulusan.

Sinabi ng ahensya na nananatili pa ring nakataas ang level 1 na alert status sa Mt. Bulusan na senyales ng pagiging aktibo nito.

Ayon pa sa Phivolcs, halos isang linggo nang kumalma ang bulkan at hindi nagparamdam ng numang aktibidad nito dahil na rin sa nararanasang pag-ulan sa Bicol area. (Rommel P. Tabbad at Jun Fabon)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente