POKWANG AT MELAI copy

HULING linggo na ng tambalang Pokwang at Melai Cantiveros sa comedy teleseryeng We Will Survive. Pinaiyak at pinatawa nilang dalawa ang mga manonood bilang sina Wilma at Maricel, ang magkaibigan mula sa Bicol na bumiyahe papuntang Maynila at magkasamang sinuong ang lahat ng hirap para baguhin ang kanilang buhay.

“Ganyan naman ang buhay, ‘di ba? Kahit ano pang mangyari, ano pang pagsubok ang dumating, tayong mga Pilipino laging nakakaraos,” ani Pokwang.

Ayon naman kay Melai, kailangang mapanood ang dala-dala nilang inspirasyon at good vibes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ganap nang may-ari ng isang salon si Wilma (Pokwang) at masaya nang namumuhay kasama ang asawang si Edwin (Jeric Raval). Malapit naman nang ikasal si Maricel (Melai) kay Pocholo (Carlo Aquino), at tagumpay na naitaguyod ang kanyang anak na si Jude (Josh de Guzman).

Ngunit isang problema pa rin ang hindi paggising ni Maricel buhat ng isang aksidente. Inaabangan ngayon ng mga manonood kung maitutuloy pa ba ng dalawa ang kanilang ultimate friendship goal.

Kasama rin nila sina Bea Saw, Regine Angeles, Ahron Villena, Vveika Ravanes, Bing Davao, Alcris Galura, Joshua Zamora, Regine Tolentino at Vangie Labalan. Mula ito sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervym Brondial at napapanood bago ang TV Patrol sa Primetime Bida. (CHRISTIAMARIE LUGARES)