Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki upang isailalim sa imbestigasiyon kaugnay sa pagkamatay ng mag-ina na halos naaagnas na nang matagpuan sa sarili nitong tahanan sa Caloocan City, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang mag-inang sina Carol Suizo, 51, at Angel, 5, ng Champaca Street, Sampaguita Village, Barangay 175 ng nasabing lungsod.

Hindi pa nakikita ang pinaghihinalaang suspek sa insidente na si Ryan Vitanzos, pamangkin ni Carol.

Ayon kay Aikee Nario, 28, ng No. 67 Marganto Street, Gulod Quezon City, dakong 10:00 ng umaga nang tawagan siya ng kanyang pinsang si Edwin Suizo, seaman at asawa ni Carol.

National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

“Sabi po ni Edwin puntahan ko daw sa bahay nila ang kanyang mag-ina (Carol at Angel), kasi hindi sumasagot sa telepono ilang araw na,” kuwento ni Aikee.

At nang marating umano ni Aikee ang bahay ng mga Suizo, nadatnan niyang nakabukas ang pinto kaya’t agad siyang pumasok at laking-gulat niya nang matagpuang nakabulagta si Carol at tadtad ng saksak, habang nasa kuwarto naman si Angel at wala na ring buhay.

Ayon sa mga kapitbahay, huling nakita si Vitanzos habang papalabas ng bahay ng mga biktima na nakasuot ng itim na jacket, ilang araw na ang nakalilipas.

Problemado umano sa pera si Vitanzos at nangungutang umano ito kay Carol pero hindi napautang ng huli.

Gayunman, ikinokonsidera pa lamang ng Caloocan Police na primary suspect si Vitanzos hangga’t hindi ito nagpapakita para linisin ang kanyang pangalan. (Orly L. Barcala)