Sugatan ang isang 73-anyos na opisyal ng barangay makaraang pagbabarilin ng kapatid ng lalaking nakaaway umano ng kanyang anak sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Masuwerte namang dalawang tama lamang ng bala sa magkabilang hita ang tinamo ni Jaime Blasco, opisyal ng Barangay 124, at residente ng 2252 Malaya Street, Balut, Tondo, Maynila.

Itinuturong suspek sa pamamaril si Edrian Ambito, ng 2266 Malaya St., Balut, Tondo, na umano’y kapatid ng lalaking nakaaway ni Blasco.

Batay sa ulat ni PO2 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nabatid na nangyari ang insidente dakong 6:40 ng umaga sa Honorio Lopez Boulevard.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Lulan umano si Blasco sa barangay tricycle patrol, kasama ang mga barangay tanod na sina Norvin Dionisio at Rodolfo Celi, nang paulanan ng bala ng suspek saka mabilis na tumakas ang huli.

Sa paunang imbestigasyon, ang motibo ng pamamaril ay posible umanong nag-ugat sa alitan sa pagitan ng anak ng biktima na si Jun Blasco, na kawani ng Manila City Security Force, at ng kapatid ng suspek na si Paolo Ambito.

(Mary Ann Santiago)