Isang barangay kagawad na umano’y drug pusher ang namatay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Dead on the spot si Alex Simporoso, 44, kagawad ng Barangay 102, at naninirahan sa Galino Street, Barangay 102, 9th Avenue, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, dakong 1:56 ng umaga at sakay sa kanyang tricycle (TX-9343) ang kagawad at binabagtas ang Biglang Awa Street sa Bgy. 96 nang sa pagliko nito sa Asistio Street ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at sumabay sa biktima.

Nang makadikit, bumunot ng baril ang nakaangkas at pinagbabaril ang biktima.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng .45 caliber, nilamukos na papel na may nakasulat na “Pusher ako, ‘wag tularan”, at dalawang plastic sachet na may lamang shabu.

Hindi naman naniniwala ang pamilya at mga kaibigan ni Simporoso na sangkot ito sa ilegal na droga. (Orly L. Barcala)