WALTHAM, Massachusetts (AP) — Pormal nang ipinakilala si Al Horford bilang bagong pundasyon ng Boston Celtics.

“People around the league, they appreciate, they understand how special it is,” pahayag ni Horford sa isinagawang media conference nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

“I hope that if I’m coming here, it will definitely open the door to other free agents,” aniya.

Nakipagkasundo si Horford sa Celtics sa apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $113 million.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Iginiit ni Boston general manager Danny Ainge na nadagdagan ng lakas ang Celtics sa kanilang kampanya na mapatibay ang katayuan sa playoff.

“Right now it definitely makes us better,” sambit ni Ainge.

“We’re not done. We still have work to do.”