Muling nakatikim ng kabiguan ang Team Philippines Blu Girls, sa pagkakatong ito laban sa The Netherlands, 0-6, sa 16th World Cup of Softball XI and Border Battle VIII 2016 nitong Biyernes (Sabado sa Manila), sa OGE Energy Field ng ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City.

Tatlong run ang agad itinala ng Dutch sa unang inning bago sinundan ng tig-isa sa ikalawa, ikatlo at ikalimang inning upang tuluyang patalsikin ang Blu Girls sa torneo kahit may dalawa pa itong natitirang laro. Nalasap ng Pinay ang ikalimang sunod na kabiguan sa prestihiyosong torneo.

Huling makakalaban ng Pilipinas ang Venezuela at Australia.

Nagtala si Van Aalst ng dalawang RBIs sa kanyang tatlong hit para sa The Netherlands kung saan limang run ang isinagawa nito sa unang tatlong inning, bago kumpletuhin ang dominasyon sa Pinay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginulat ni Eva Voortman ang Pilipinas matapos nitong ma-strike out ang siyam na batters. Itinala rin ng pitcher ng Netherlands ang limang inning na shutout ball habang nagbigay lamang ng dalawang hit.

Pumukol para sa Pilipinas si Sierra Lange na nagbigay lamang ng apat na hit at isang earned run, isang walk at dalawang strike out. (Angie Oredo)