LONDON (AP) — Hindi naganap ang inaabangan na all-Williams final. Ngunit, nakamit ni Serena Williams ang pagkakataon na mapantayan ang winning record sa major title laban sa player na bumigo sa kanyang kampanya, may isang buwan na ang nakalilipas.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Williams para mapantayan ang record na 22 major title at tatangkain niya itong maisakatuparan kontra kay Angelique Kerber.

Nangailangan lamang si Serena ng 48 minuto para patalsikin si Elena Vesnina 6-2, 6-0 sa All England Club, habang nabigo ang nakatatanda niyang kapatid na si Venus kay Kerber 6-4, 6-4 nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), sa women’s singles Final Four.

Mula nang pagwagian ang ikaanim na Wimbledon sa nakalipas na taon para sa kanyang ika-21 career Grand Slam title, banderang-kapos ang 28-anyos na si Williams sa nakalipas na kampanya para pantayan si Steffi Graf na may 22 major title. Tangan ni Margaret Court ang all-time mark na 24.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Natalo si Williams kay Roberta Vinci sa U.S. Open semifinals noong Setyembre, gayundin kay Kerber sa Australian Open noong Enero at kay Garbine Muguruza sa French Open final.

“For anyone else in this whole planet, it would be a wonderful accomplishment,” sambit ni Serena.

“For me, it’s about, obviously, holding the trophy and winning, which would make it a better accomplishment for me.

For me, it’s not enough. But I think that’s what makes me different. That’s what makes me Serena.”