DALLAS, Texas (AP) - Hindi pa rin makapaniwala ang Dallas sa nangyari nitong Biyernes ng umaga matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng isang armadong lalaki ang limang pulis habang pitong iba pa ang nasugatan sa isang protesta kasunod ng pamamaril at pagpatay ng mga pulis sa mga itim sa ibang mga estado, ayon sa pulisya.

Sinisi ni Police Chief David Brown ang “snipers” at sinabing nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek habang ang isa pa ay nakipagbarilan sa mga awtoridad sa isang garahe at sinabi sa mga negosyador na nais niyang saktan ang mas marami pang law enforcer.

Ang ikaapat na suspek ay kinilalang si Micah Xavier Johnson, 25, ng Texas.

Nitong Biyernes ng umaga, kinumpirma ni Dallas Mayor Mike Rawlings ang pagkamatay ni Johnson. May dalawa ring sibilyan na nasugatan sa pag-atake, ayon kay Rawlings.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture