CALACA, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang mangingisda matapos umanong makuryente habang nasa bubungan ng isang bahay sa Calaca, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Ariel Garcia, 38, binata, ng Barangay Camastilisan.

Ayon sa report ni PO3 Argel Joseph Noche, dakong 5:30 ng hapon nitong Huwebes at nagkukumpuni ng bubungan ng bahay ng kanyang kapatid si Garcia nang mapahawak siya sa buhay na kawad ng kuryente. (Lyka Manalo)
Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!