“Not guilty”ang inihaing plea sa Sandiganbayan Sixth Division ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito at ng anim na iba pang opisyal ng San Juan City kaugnay ng technical malversation case na kanilang kinahaharap na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang pagbili sa P2.1-milyon halaga ng assault weapon para sa San Juan City Police noong alkalde pa ito ng siyudad.

Iginiit ni Ejercito, at kanyang mga kapwa akusado na si dating Vice Mayor Leonardo Celles; at mga dating konsehal na sina Adonis Miguel Lopez Carballo, Dante Espiritu Santiago, Grace Contes Pardines, Eduardo Valerder Soriano, at Joseph Christopher Torralba, na sila’y inosente sa sinasabing iregularidad sa pagbili ng mga assault weapon noong 2008 gamit ang calamity fund ng pamahalaang lungsod.

“I submitted myself to the legal process. I'm hoping for a favorable decision. Confident ako sa defense namin,” pahayag ni Ejercito. “’Yun naman ang simula ng kasong ito, eh. Still, I am proud that those equipment that have been purchased are still being used by now.”

Nahaharap din sa kasong graft ang grupo ni Estrada sa isa pang sangay ng Sandiganbayan at itinakda sa Hulyo 18 ang pagdinig dito.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Samantala, itinakda ng korte ang dalawang araw na preliminary conference para sa kasong technical malversation sa Agosto 23 at 24, na magbibigay ng sapat na oras sa prosekusyon at depensa upang maihanda ang kani-kanilang ebidensiya na ipiprisinta sa pagdinig.

Ang pre-trial hearing sa kaso ay itinakda sa Setyembre 8. (Czarina Nicole O. Ong)