TAIPEI, Taiwan (AP) — Naibalik na ang ibang linya ng kuryente sa Taiwan noong Biyernes matapos manalasa ang isang malakas na bagyo sa eastern coast ng isla dala ang malakas na hangin at ulan, na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng 72.
Tumama ang bagyong “Nepartak” kahapon ng umaga sa Taitung county, pinaralisa ang biyahe sa kalawakan at karagatan.
Mahigit 15,000 ang inilikas.
Kinahapunan, humina si “Nepartak” sa medium-strength typhoon, sa lakas ng hangin na 163 kilometers per hour at bugsong 230 kph, sinabi ng Central Weather Bureau ng Taiwan. Inaasahang makakarating ito sa Fujian province ng China ngayon araw.
Ang Nepartak ay salitang Micronesian para sa katutubong mandirigma.