RIYADH (Reuters) – Inatake ng mga suicide bomber ang tatlong lungsod sa Saudi Arabia noong Lunes na ikinamatay ng apat na security officer, dalawang araw bago ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Tinarget ng mga pagsabog ang mga U.S. diplomat, mananampalatayang Shi’ite at security headquarters sa isang moske sa banal na lungsod ng Medina kasunod ang ilang araw ng mga mass killing sa Turkey, Bangladesh at Iraq na inako ng grupong Islamic State. Ang mga pag-atake ay tila itinaon sa pagpasok ng Eid al-Fitr, ang kapistahan na ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Ramadan.

Isang suicide bomber ang nagpasabog ng bomba sa parking lot sa labas ng Prophet’s Mosque sa Medina, ang ikalawang pinakabanal na lugar sa Islam, sinabi ng tagapagsalita ng Saudi security sa state news agency na SPA.

“Security men noticed a suspicious person among those approaching the Prophet’s Mosque in an open area used as parking lots for visitors’ cars. As they confronted him, he blew himself up with an explosive belt, which resulted in his death and the martyrdom of four of the security men,” sinabi ng tagapagsalita.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Limang iba pa ang nasugatan, ayon sa pahayag.

Isang attacker naman ang pumarada ng kanyang sasakyan malapit sa U.S. consulate sa Jeddah bago ito pinasabog. Patay ang salarin at dalawang katao pa ang nasugatan.

Sa Qatif, isang lungsod sa silangan na tahanan ng maraming Shi’ite minority, isa o marahil ay dalawang pagsabog ang sumambulat malapit sa isang Shi’ite mosque. Tatlo ang namatay kasama na ang bomber.

Kinondena ng mataas na clerical body ng Saudi ang mga pag-atake.

“They are renegades from the (true) religion who have left behind the Muslim flock and their imam, violating all sanctities. They have no religion,” pahayag ng Secretariat of the Council of Senior Scholars.