BEIJING (Reuters) – Dapat maghanda ang China para sa military confrontation sa South China Sea, sinabi ng isang maimpluwensiyang Chinese newspaper nitong Martes, isang linggo bago ang nakatakdang paglabas ng desisyon ng isang international court sa iringan ng China at Pilipinas sa nasabing karagatan.

Sa joint editorials sa Chinese at English edition nito, sinabi ng state-run Global Times na ang iringan, na pinagulo ng pakikialam ng U.S., ay lalong titindi sa dalang banta ng tribunal sa soberanya ng China.

“Washington has deployed two carrier battle groups around the South China Sea, and it wants to send a signal by flexing its muscles: As the biggest powerhouse in the region, it awaits China’s obedience,” ayon dito.

Dapat na bilisan ng China ang pag-develop ng military deterrence abilities nito, dagdag ng pahayagan. “Even though China cannot keep up with the U.S. militarily in the short-term, it should be able to let the U.S. pay a cost it cannot stand if it intervenes in the South China Sea dispute by force,” ayon dito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina