LAS VEGAS (AP) – Isang dating IBF flyweight champion mula sa Thailand at French-Cameroonian middleweight contender ang prominenteng pro boxer na sasabak sa final qualifying para sa Rio Olympics.
Ipinahayag ng International Boxing Association (AIBA) ang pagpasok ng ilang pro boxers sa gaganaping Olympic qualifying simula sa Linggo sa Vargas, Venezuela.
Inamyendahan ng AIBA ang regulasyon para makalahok ang pro boxers sa Rio Olympics sa agosto 5-21 at kabilang sina Amnat Ruenroeng at Hassan N’Dam sa promineteng pangalan na isinantabi ang babala ng world governing body na aalisin sila sa talaan ng mga fighter kung lalahok sa AIBA meet.
Kapwa Olympian sina Ruenroeng at N’Dam.
Sasabak ang 36-anyos na si Ruenroeng sa 60-kilogram lightweight, sa Venezuela. Napatanyag ang Thai nang mangibabaw sa lona sa kabila ng pagkakakulong sa kasong robbery.
Kinatawan ni Ruenroeng ang Thailand sa 2008 Beijing Olympics kung saan natalo siya sa quarterfinal kay Mongolia’s Purevdorjiin Serdamba.
Naging pro siya noong 2012 at naging kampeon sa IBF flyweight na naidepensa niya ng limang ulit kabilang ang unanimous decision kontra Chinese star Zou Shiming, isang two-time Olympic gold medalist.
Naagaw ni Pinoy fighter John Riel Casimero ang titulo kay Ruenroeng via TKo noong Mayo 25.