Kinondena ng Pilipinas ang pag-atake sa Istanbul airport sa Turkey na ikinamatay ng 42 katao at ikinasugat ng 150 iba pa noong Martes.

Matapos manumpa bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas, ipinaabot ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte ang simpatya at pakikiramay ng sambayanang Pilipino sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima ng pagpasabog sa Ataturk Airport sa Istanbul.

”Let me express the nation’s, in behalf of the people, our condolences to the Republic of Turkey to what has happened in the place. We offer our deepest condolences,” sabi ni Duterte sa kanyang inaugural speech sa Rizal Hall ng Malacañang. (Bella Gamotea)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'