NEW YORK (AP) – Tinanggihan ng Hershey nitong Huwebes ang alok na takeover ng Oreo maker na Mondelez na magsasama-sama sa mga pinakakilalang cookies at tsokolate sa iisang kumpanya.

Kinumpirma nito ang natanggap na alok mula sa Mondelez para pagsamahin ang kanilang pera at stock sa $107 para sa bawat share ng Hershey Co.. Ang alok na kasunduan ay aabot sa $22.3 billion, ayon sa FactSet.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang tagapagsalita ng Mondelez kung mag-aalok ito ng panibagong kasunduan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline