Nagmartsa kahapon sa Mendiola ang isang grupo ng mga masasaka sa bansa, hindi upang magsagawa ng kilos-protesta, kundi upang magpaabot ng suporta sa bagong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes, suportado nila ang mga ilalatag na programa ng bagong pamahalaan, partikular na ang pagkakaroon ng tunay na pagbabago sa bansa.

Aniya, isa sa mga inaabangan nila ay ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).

Dakong 9:00 ng umaga nang magsimulang magtipun-tipon sa Welcome Rotonda ang mga militanteng grupo mula sa health, labor, youth at women sectors, bago tuluyang nagmartsa patungong Mendiola upang doon abangan ang panunumpa sa tungkulin ni Duterte at magdaos ng programa.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Nanawagan din sila kay Duterte na tuparin ang mga ipinangako nito at ipakulong ang mga taong corrupt o nagnakaw sa gobyerno.

Miyerkules ng gabi nang isara sa trapiko ang tulay ng Mendiola bilang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa inagurasyon ni Duterte. (Mary Ann Santiago0