CAMP MACABULOS, Tarlac City – Pinasok at pinagnakawan ng mga hindi nakikilalang kawatan ang isang cell site sa Barangay Jefmin, Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ni SPO1 Eduardo Sapasap, may hawak ng kaso, tinangay ng mga kawatan ng tatlong piraso ng copper brass bar, tatlong power breaker at isang unit ng 3SM Outlast Battery na nakakabit sa tower ng Sun Telecommunications.

Nadiskubre ang pagnanakaw dakong 9:00 ng umaga, ng caretaker na si Ricardo Sacramento, 46, ng Barangay Jefmin, Concepcion, Tarlac, at kaagad iniulat sa pulisya.

Napag-alaman na bagamat mataas ang kongkretong pader na napupuluputan pa ng barb wire, ay wala namang nakakabit na CCTV camera at security guard sa lugar na siyang sinamantala ng mga kawatan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog