Isuzu CYH 20cbm Scoop End Dump Truck 2 (for Broom Broom) copy

UMABOT sa 20 porsiyento ang naiaambag ng industriya ng construction at real estate development sa ekonomiya ng Pilipinas, na mas malaki nang bahagya sa manufacturing sector.

Sa mga nakaraang taon, lumaki ang sektor ng konstruksiyon dahil sa maayos na sitwasyong pulitikal, kumpiyansa ng mga negosyante, lumalakas na turismo, at pagbuhos ng foreign investment at remittance ng overseas Filipino worker (OFW) kaya buhos din ang paglalaan ng gobyerno sa mahahalagang imprastruktura.

Ang paglakas ng construction at real estate sector ay kinikilala ng Centro Manufacturing Corporation, ang nangungunang ISO/TS 16949 certified truck body builder at sinasabayan ang oportunidad na ito sa paglulunsad sa publiko ng mga bagong produkto.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Ito ang binigyang-diin ni Centro Senior Sales Manager Vice Belisario na nagsabing tumaas din ang benta ng mga bagong truck-mounted construction crane, tailgate lift, cement mixer, dump truck, dropside truck at maging water tanker.

Umaasa si Belisario na magpapatuloy ang construction boom hanggang 2020 kasabay ng paglobo ng populasyon, urbanization, at pagsusulong sa public-private partnership.

Patuloy ang panliligaw ng gobyerno ng Pilipinas sa mga foreign investor para sa modernisasyon ng mga lumang imprastruktura sa bansa.

Noong 2014, pinalakas ng gobyerno ang PPP model at itinaguyod ang mas maraming infrastructure contract.

Noong 2015, naglaan ang Asian Development Bank (ADB) ng US$600 billion loan para sa imprastruktura.

Sa pagtaya ni Shane Watson Jr., SEO Analyst at Radiant Insights, aabot sa 9.22 porsiyento ang compound annual growth rate (CAGR) ng construction industry sa bansa. (ARIS R. ILAGAN)

[gallery ids="178653,178651"]