TOKYO (AP) – Ipinababalik ng Toyota ang 1.43 milyong behikulo nito sa buong mundo dahil sa depekto sa mga air bag na hindi bahagi ng malawakang recall ng Takata air bags.
Sinabi ng Toyota Motor Corp. na walang namatay o nasaktan kaugnay sa mga pagbawi nitong Miyerkules.
Ang mga pinababalik ay ang Prius hybrid, Prius plug-in at Lexus CT200h na ginawa mula Oktubre 2008 at Abril 2012 -- 743,000 behikulo sa Japan, 495,000 sa North America at 141,000 sa Europe, gayundin ang 9,000 sasakyan sa China at 46,000 sa iba pang mga rehiyon.