LONDON (AP) – Nakamit ni Novak Djokovic ang hinahangad sa career ngayong taon.
Tangan niya ang 12 Grand Slam singles title, na tatlo pa lamang ang nakagagawa sa kasaysayan ng tennis. Napagwagihan niya ang apat na sunod na major title para sundan ang yapak ng dalawang nauna sa kanya. Nangunguna siya sa Tour na may 44-3 marka at anim na panalo ngayong season.
Sa pagpalo ng Wimbledon simula sa Lunes (Martes sa Manila), tatangkain ni Djokovic na makagawa ng kasaysayan na wala pang nakagagawa sa sports – ang Golden Slam, binubuo ng apat na major single title sa loob ng isang season.
At kung papalarin kabilang din ang Olympics.
Nakamit ni Djokovic ang tagumpay sa Australian Open noong Enero, bago pagwagihan ang clay court ng French Open nitong Mayo.
Sa kasalukuyan, tanging sina Don Budge noong 1938, at Rod Laver noong 1962 at 1969, ang nagwagi ng apat na Grand Slam tournament sa isang calendar year.
“There’s going to be a lot of pressure on him,” sambit ni Laver. “For me, I think it’s very possible he can pull it off.”
Matapos magwagi sa French Open, napantayan ni Djokovic ang nagawa ni Jim Courier noong 1992.
“Well, I don’t want to sound arrogant,” sambit ni Djokovic. “But I really think everything is achievable in life.”