Hong Kong (CNN) – Bukod sa matinding polusyon sa hangin, mga ilog na puno ng basura at nakalalasong running track, may isa pang alalahanin ang mga residente ng Beijing – ang paglubog.
Nadiskubre ng isang international study, pinamumunuan ng Beijing-based researchers, na lumulubog ang lungsod ng hanggang 11 centimeters (4 inches) sa ilang distrito bawat taon.
Nasaid na ng uhaw na lungsod ang groundwater nito, na tinukoy ng pag-aaral na dahilan ng paglubog.
Gamit ang satellite imagery at GPS data, inanalisa ng grupo ang topographical trends mula 2003 hanggang 2010 at natuklasan na nakakaalarma ang bilis ang paglubog ng lungsod na tirahan ng mahigit 20 milyon katao.
Pinakaapektado ang mga central district nito, ayon sa pag-aaral. Ang main subsidence bowls ay pinaghahati-hatian ng mga distrito ng Chaoyang, Changping, Shunyi at Tongzhou. Ang Chaoyang, sa eastern suburbs, ang pinakamalalang naapektuhan, na may subsidence na 11 cm bawat taon.
Ang Beijing ay iniranggong fifth most water-stressed city in the world, diin ng pag-aaral, at habang nagpapatuloy ang urbanisasyon ng China, palala nang palala ang stress sa mga subterranean aquifer.