9 copy

PAGKAING Pinoy na pang-export ang kalidad ng masarap na tinapang produkto ng Rosales, Pangasinan.

Tinapa (smoked fish) ang itinuturing na one town one product (OTOP) ng Rosales bukod pa sa tupig na pinakapaboritong pampasalubong.

At upang mas makilala ang OTOP, nakiisa ang SM Rosales sa paglulunsad ng Tinapa Festival na lalong magpapasaya sa shoppers ng mall.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Ginanap ito sa satellite terminal ng SM Rosales nitong Hunyo 12 kaalinsabay sa selebrasyon ng Independence Day na pinagunahan ng SM Rosales assistant mall managers na sina Ms. Catherine Garcia at Drake J. Lim, at PR ng mall na si Roselle Gale at Rosales LGU sa pangunguna ni Mayor Susan Casareno.

Kabilang sa aktibidad ang street dancing, boodle fight na nilahukan ng SM staff, mga manonood kasama ang pamilya at LGUs.

Inabangan din ng manonood ang itinampok na ways to cook tinapa katulad na tinapa salad, tinapa chowpan, tinpanada, tinapang embutido, tinapa nuggets, bola bola tinapa, dynamite tinapa, lumpiang tinapa, putong tinapa at marami pang iba.

Ang industriya ng tinapa ay isa sa mga kabuhayan ng mga residente ng bayang ito partikular sa Carmen West na minana pa sa kanilang mga ninuno na nagpasimula ng industriyang ito sa Rosales.

Tiniyak ng alkalde na palalawigin pa ang produksiyon ng tinapa lalo na at ito ay ini-export na sa Amerika.

Nagsusuplay din ang Rosales ng tinapa sa Isabela, Ilocos region, Metro Manila at iba pang mga karatig probinsiya.

Madaling makilala ang tinapa ng Rosales dahil ito’y malinamnam at saktung-sakto ang lasa para sa Pinoy. Patok din ito ngayong panahon ng tag-ulan at presyong pangmasa. (LIEZLE BASA IÑIGO)