Ang milyun-milyong mandaragat ang masasabing lihim na susi ng kayamanan ng Pilipinas, dahil na rin sa bilyun-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga ito sa bansa.

Sa pagdiriwang ng International Filipino Seafarers Day, sinabi ni Kitack Lim, secretary general ng United Nations International Maritime Office (UNIMO), na lolobo pa ang kita ng bansa kung magkakaroon ng maayos na pagsasanay ang mga Filipino seafarer.

Ang selebrasyon ay ginanap sa SMX-Mall of Asia na dinaluhan ng mga kumatawan sa industriya at 5,000 seaman at mga kapamilya ng mga ito.

Suportado ng SM Cares Program on Overseas Filipino Workers (SM-Global-Pinoy), sinabi ni Annie Garcia, presidente ng SM-Global Pinoy, na may 38 nang SM Global Pinoy center sa buong bansa na naglalaan ng serbisyo para sa mga seaman at kanilang pamilya.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Aniya, maaari nang magproseso ng mga dokumento at papeles ang mga seafarer sa mga SM office. - Leonel Abasola