Hangad ng Team Philippines na mapaigting ang kampanya sa paglahok sa ikalimang edisyon ng Asian Beach Games sa Setyembre 24 hanggang Oktubre 3, sa Danang, Vietnam.

Inihahanda ang 100-kataong delegasyon na lalaban sa 11 sports na hangad mapataas ang naiuwing tatlong ginto, dalawang pilak at pitong tansong medalya sa huling pagsabak sa Phuket, Thailand.

Pangungunahan ni chef de mission Karen Tanchanco-Caballero ang delegasyon.

Ayon kay Caballero, kasalukuyang sumasailalim sa matinding pagsasanay ang mga atleta para sa kanilang pagsabak sa marathon swimming, beach volleyball, beach basketball 3-on-3, sepak takraw, pencak silat, wrestling, jujitsu, kurash, muay, rowing, at beach athletics.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Huling sinandigan ang bansa sa quadrennial meet ng ju-jitsu team para sa ika-13 puwesto ng Pinoy sa overall standing. - Angie Oredo