BAUAN, Batangas - Patay ang isang empleyado ng B-Meg satellite plant makaraan umanong makuryente habang nasa loob ng planta sa Bauan, Batangas.

Umuusok pa ang katawan nang makita ng mga kasamahan, dakong 7:50 ng umaga nitong Sabado, si Nicomedes De Roxas, 38, maintenance sa naturang planta sa Barangay As-is.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bitbit ng biktima ang isang aluminum na hagdan nang mapalapat ito sa kawad ng kuryente, na may 4,800 megavolts.

Nagtamo ng second degree burn sa mga kamay ang biktima, na idineklarang dead on arrival sa Bauan Doctors General Hospital. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog