Hunyo 27, 1976 nang dapuan ng Ebola virus ang isang trabahador sa pabrika, na namatay makalipas ang limang araw. Nadestino siya sa bayan ng Nzara sa Sudan.

Sa nasabing lugar naitala ang unang epidemya ng Ebola, na aabot sa kalahati ng 284 kaso ang namatay.

Nang mamatay ang trabahador, isa pang lalaki ang namatay sa Nzara noong Hulyo 6. Nagkasakit din ang kanyang kapatid, ngunit gumaling ito. Namatay naman ang katrabaho ng kanyang kapatid noong Hulyo 14, dalawang araw matapos itong isugod sa ospital. Makalipas ang mahigit isang linggo, namatay din ang kapitbahay niyang lalaki. Napag-alaman ng mga doktor na kumakalat ang virus sa malapitang pakikisalamuha.

Gumawa ng paraan ang World Health Organization upang puksain ang tumitinding epidemya na nagsimula noong Oktubre.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nahinto ang pagkalat ng sakit matapos i-isolate ang mga biktima, ngunit hindi natukoy ng mga siyentista ang dahilan ng virus.