LAUREL, Batangas - Patay ang isang tricycle driver makaraang makuryente sa live wire na nasagi siya sa inakyat na puno sa Laurel, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Joven Espiya, 35- anyos.

Ayon sa report ni PO1 Florenio Santillan Jr., dakong 3:30 ng hapon nitong Hunyo 23 nang makuryente si Joven Espiya sa inakyat na lemon tree.

Ayon sa kinakasama ni Espiya, umakyat sa puno ang biktima para kumuha ng mga dahon na ilalagay sa flower decoration pero nasagi nito ang isang kawad ng kuryente habang pinuputol ang sanga ng puno. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog