PANIQUI, Tarlac - Halos matulala sa sindak ang isang 49-anyos na babae na pinagmalupitan ng kanyang kinakasama matapos na wala itong maabutang pagkain sa bahay nila sa Barangay Acocolao, Paniqui, Tarlac.

Nakapiit na at nahaharap sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) si Marcelo Exiomo, 48, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Joan Payad, dakong 6:00 ng gabi nitong Miyerkules at nakatayo ang ginang sa harap ng kanilang bahay dumating ang lasing na si Exiomo at naghanap ng makakain.

Nang walang makitang pagkain, sinaktan at kinaladkad ni Exiomo ang biktima sa tricycle habang tinatangkang umawat ng paslit nilang anak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinamantala ito ng ginang at mabilis na nakatakbo palayo para magsumbong sa pulisya. (Leandro Alborote)