AKRON, Ohio (AP) — Sapat na kay LeBron James ang tropeo ng NBA kung kaya’t hindi na siya interesado sa gintong medalya ng Rio Olympics.
Sa pamamagitan ng kanyang agent na si Rich Paul, ipinahayag ni James sa Associated Press nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) na hiniling niya sa USA Basketball na alisin siya sa mga pinagpipiliang player.
Bahagi si James sa matagumpay na kampanya ng US sa huling dalawang Olympics, ngunit, ang pagwawagi ng Cleveland Cavaliers sa nakalipas na NBA Finals ay tila sapat na para sa katuparan ng kanyang pangarap sa basketball career.
Bunsod ng pag-atras ng 31-anyos at four-time NBA MVP, nabawasan ng bituin ang US Team matapos ang naunang pag-atras nina two-time MVP Stephen Curry, James Harden, Kawhi Leonard, at Chris Paul.
Handa namang magbalik si Carmelo Anthony, gayundin sina Kyle Lowry, eMar DeRozan,Kevin Durant, Paul George, Draymond Green, at Klay Thompson. Nagpahayag din ng interes sina Sacramento’s DeMarcus Cousins, Chicago’s Jimmy Butler at Clippers’ DeAndre Jordan, at Kyrie Irving.
“This was a very difficult decision. It’s an honor to have been considered for the team and I hope that in the future I will have the chance to represent my country by playing for USA Basketball,” pahayag ni Leonard.