Salat man sa pinansiyal, isinakatuparan ni dating RP No.1 Marian Capadocia ang layuning mapaangat ang world ranking at makalaro sa major tournament sa impresibong kampanya sa International Tennis Federation (ITF) Circuit sa Alksmaar, Netherlands.
Ginapi ng 22-anyos veteran Southeast Asian Games ang local hero na si Dona Coman sa finals ng qualifying round sa straight set para makapasok sa 32-men main draw sa serye na may nakalaang world ranking points.
“Masaya ako at magaan ang pakiramdam. Iba yung experience ko rito. Hopefully, maipagpatuloy ko ito para mapataas ko ang ranking points ko sa ITF. Hindi na po ako mahihiya, pero kailangan ko po talaga ang tulong ng gobyerno at ng private sector para mapalawig ko pa yung participation ko rito,” sambit ni Capadocia sa FB message sa Balita.
Ang ITF Circuit ay mga serye ng torneo na ginagawa sa Europe at sa Amerika sa layuning makalikom ng sapat na ranking point ang mga tennis player at makakuha ng tsansa na magkuwalipika sa major tournament tulad ng Wimbledon na nakatakdang ganapin sa susunod na linggo.
“So far, yung allowance po na nakuha ko sa PSC ang dinagdagan ng family ko para makalaro ako rito. Pero talagang hindi po sapat,” pahayag ng dating Philippine Open champion.
Ang tinutukoy na allowance ni Capadocia ay kaloob ni PSC chairman Richie Garcia na nagbigay ng “special slot” sa beteranong internationalist matapos itong alisin sa regular line-up ng Philippine Tennis Association (Philta) na pinangangasiwaan ni Edwin Olivarez.
Kinuwestiyon ni Capadocia ang naging desisyon ng Philta sa kabila ng katotohanan na tinalo niya ang mga atletang inilagay sa Philippine Team sa Philippine National Games.
“Mahirap pong labanan ang mga may kapangyarihan sa asosasyon ko kaya dito na lamang po ako sa ITF Circuit nagko-concentrate. Kailangan ko lang po talaga ng tulong para masustinihan ko ito,” aniya.
Sa naturang torneo sa Alkmaar, Netherlands, tinalo ni Capadocia ang ilang mas beteranong karibal kabilang na si Chelsea Vanhoutte ng Belgium para makausad sa main draw.
Sa first round ng main draw, nagwagi ang Pinay netter kontra world No.870 Charlotte Roemer ng Ecuador, bago nabigo kay defending champion at seeded No.1 na si Elyne Boeyken ng Belgiums (rank 311).
Sa kanyang pakikipagtambalan kay Nikkie Luttikhauis, umabot si Capadocia sa quarterfinals ng doubles event.
“ Everyone is very nice here and it is a strong team , so I can gain a lot of experience ,” pahayag ni Capadocia.
“In Asia, you should always by plane , here it is better to travel . By bus or by train. The level is much higher and have a lot more different opponents. In the Philippines, I was always against the same players . In the Netherlands it is different and I learn a lot from . If I come back next season , I just do not know . In July I’m going home.
For school . I hope to play more futures this year, but then I have to find first sponsors. Tennis is an expensive sports,” aniya. (Edwin G. Rollon)