LONDON (AFP) – Nagsimulang bumoto ang milyun-milyong Briton noong Martes sa mapait at gitgitang laban sa referendum na maaaring pumunit sa EU membership ng island nation at magbunsod ng pinakamalaking emergency sa 60-taong kasaysayan ng bloc.

Makasaysayang 46.5 milyong botante ang nagparehistro para desisyunan ang kinabukasan ng Britain sa 28-bansang European Union, na isinilang bunga ng determinasyon na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa kontinente matapos ang dalawang digmaang pandaigdig.

Ang tanong sa once-in-a-generation referendum: ‘’Should the United Kingdom remain a member of the European Union or leave the European Union?’’

Ang bawat botante ay kailangang ekisan ang isa sa dalawang pagpipilian: ‘’Remain a member of the European Union’’ o ‘’Leave the European Union.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina