SAN PASCUAL, Batangas - Patay ang isang binata matapos umanong mabundol at magulungan ng pampasaherong jeep sa San Pascual, Batangas.

Dead on arrival sa Dr. Mario Bejasa Hospital si Kevin Michael Abdala, 23, taga-Barangay San Antonio sa naturang bayan.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng jeep na si Ciriaco Abu, 55, residente ng Bgy. San Mateo.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng gabi nitong Hunyo 21, naglalakad ang biktima nang masagasaan ng jeep (DXK-538) ni Abu sa Bgy. San Antonio. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog