NEW YORK (AP) — Maging sa television rating, nakalikha ng kasaysayan ang Game Seven sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.

Naitala ang pinakamataas na television rating para sa NBA Finals ang ”do-or-die” duel ng Cavaliers at Warriors nitong Lunes, higit sa naitala nang huling magkampeon si basketball icon Michael Jordan.

Nahigitan ng duwelo na pinagwagian ng Cleveland, 93-89, ang half-century average na 15.7 rating at umabot sa 30.8 milyon ang nanood ng laro sa ABC. Nahigitan nito ang record na 22.3 sa Game Six ng 1998 NBA Finals kung saan nakopo ni Jordan ang ikaanim na kampeonato para sa Chicago Bulls, ayon sa ESPN.

May karagdagang 598,000 manonood ang nanood sa WatchESPN.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Umabot sa 44.5 milyon manonood at 22.5 rating ang nanonood nang magkampeon ang Cavaliers.

Sa Cleveland area, pumalo sa 46.3 ang rating.