SHANGHAI (Reuters) – Binabalak ng state-owned China COSCO Shipping Corp na maglunsad ng mga cruise trip sa South China Sea sa susunod na buwan, at ang unang ruta ay bibiyahe mula sa Sanya City sa timog silangan ng bansa patungo sa pinagtatalunang Paracel Islands, iniulat ng state media noong Martes.

Ang Paracels, kilala bilang Xisha Islands sa Chinese, ay inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.

“It is practical to stimulate the local economy through development of tourism, logistics and infrastructure facilities,” sipi ng China Daily newspaper sa sinabi ng chairman ng kumpanya na si Xu Lirong sa isang kumperensiya nitong weekend.

Sa isang pahayag na ipinadala sa Reuters, sinabi ng China COSCO Shipping na ang pagdebelop ng tourism services sa South China Sea ay bahagi ng “One Belt, One Road” strategy ng China.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang inaugural COSCO route patungo sa Xisha Islands ay susundan ng pag-develop ng iba pang ruta sa South China Sea at Taiwan Straits, at unti-unting palalawakin sa international routes, sa layuning magtayo ng unang national cruise brand ng China, ayon sa kumpanya.

Sinabi ng Beijing na nais nitong magtayo ng Maldives-style resorts sa palibot ng South China Sea.