VICTORIA, Tarlac - Nagiging madalas ang summary execution ng mga riding-in-tandem criminal, at nitong Biyernes ng gabi ay isang tricycle driver ang kanilang pinatay sa San Feliciano Street, Barangay San Nicolas sa Victoria, Tarlac.

Pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan si Gilbert Valdez, 39, tricycle driver, ng Bgy. San Vicente, Victoria, na hindi na umabot nang buhay sa Tarlac Provincial Hospital.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sonny Abalos, dakong 8:25 ng gabi at pauwi si Valdez kasama ang live-in partner na si Genalyn, 33, nang salubungin sila ng mga suspek at pagbabarilin si Valdez. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog