Meat Loaf copy

INIULAT na hinimatay si Meat Loaf sa kalagitnaan ng kanyang concert sa Edmonton, Canada nitong Huwebes.

Sa isang Facebook video na in-upload ng isang tagahanga na nanood ng nasabing concert, mapapanood ang pagtumba sa sahig ng 68 taong gulang na singer habang kinakanta ang kanyang hit song na I’d Do Anything for Love sa Northern Alberta Jubilee Auditorium. 

Kinumpirma ng Edmonton police sa CBC News ang kanilang agarang pagrespode sa nasabing lugar.  

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Saad ng concertgoer na nag-upload ng video sa Facebook sa pagkahimatay ni Meat Loaf, “Omg he’s unconscious!” 

Kinansela ng Grammy winner ang kanyang mga show sa Moose Jaw at Calgary na nakatakdang idaos sa susunod na linggo dahil sa iniindang karamdaman, ayon sa pahayag ng singer sa kanyang official Facebook page.

“Due to illness, tonight’s Meat Loaf show at the Southern Alberta Jubilee Auditorium in Calgary has been postponed.

Ticketholders are asked to hold onto their tickets until further information is available” (People.com)