Kinasuhan kahapon ng adultery ang isang babaeng pulis at frustrated murder naman ang kinakaharap ng kalaguyo niya at kapwa pulis, makaraan silang maaktuhang nagtatalik ng mister ng una sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Palompon, Leyte.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng Palompon Municipal Police ang magkalaguyong hindi pinangalanan, matapos na mahuli sa aktong nagtatalik at kasuhan ng asawa ng ginang na isa ring pulis.

Ayon kay Supt. Edgar Esmero, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), pawang may ranggong PO1 ang tatlo at nakatalaga sa Palompon Police.

Sinabi ni Esmero na napansin ng mister na nawawala ang misis nito at isa nilang kabaro sa kasagsagan ng kanilang duty kaya sa pagdududa ay umuwi ng bahay ang mister at naaktuhan niyang nagtatalik ang dalawa sa loob ng silid nilang mag-asawa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Binugbog ng mister ang kalaguyo at nagkaagawan sila ng baril. (Fer Taboy)