Wala pang masasabing nag-dropout sa Senior High School (SHS), partikular sa Grade 11. Ito ang paglilinaw ng Department of Education (DepEd) sa akusasyon ng isang militanteng grupo na aabot sa 400,000 ang nag-dropout dahil sa implementasyon ng Kto12 program.

Ayon kay Asec. Jesus Mateo, maituturing na dropout ang isang estudyante kung naka-enroll na ito at biglang tumigil sa pag-aaral.

Sa press conference, inihayag ni Education Secretary Armin Luistro na kasalukuyan pa nilang kinakalap ang kabuuang bilang ng mga nag-enroll sa SHS, na nasa mahigit isang milyon na sa huling taya. (Mac Cabreros)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji