Patay ang isang police asset matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on the spot si Teodorico Tolentino Jr., 33, walang trabaho, ng No. 150 Julian Felipe Street, Barangay 8, dahil sa tama ng .38 caliber revolver sa mukha.

Ayon kay PO3 Rommel Bautista, dakong 5:00 ng hapon at naglalakad si Tolentino pauwi sa Julian Felipe Street nang sinalubong ito ng suspek at pinagbabaril.

Nagawa pang makatakbo ng biktima pero tumimbuwang rin siya sa kalsada, habang tumakas naman ang suspek patungong sa E. Des Santos Street sa Bgy. 8.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na marami na umanong naisuplong drug pusher sa awtoridad si Tolentino, at ito ang tinitingnang motibo sa krimen. (Orly L. Barcala)