LINGAYEN, Pangasinan – Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office ng kabuuang 755 kaso ng dengue at tatlo ang nasawi sa sakit sa nakalipas na anim na buwan.

Tumaas ito ng 35 porsiyento kumpara sa 558 na na-dengue at apat na nasawi sa sakit sa lalawigan sa kaparehong panahon noong 2015, ayon kay Dr. Ana De Guzman , provincial health officer.

Namatay sa dengue ang isang pitong buwan na taga-Calasiao, isang anim na taong gulang mula sa Urdaneta City, at isang 11-anyos sa Malasiqui.

“Dapat talagang maging maingat tayo ngayon, at posibleng tumaas pa ang bilang ng dengue cases ngayong panahon na naman ng tag ulan,” ani De Guzman. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente