MILWAUKEE (AP) — Nakatakdang manatili si coach Jason Kidd sa Milwaukee Bucks.

Ayon sa ulat ng isang opisyal na may kinalaman sa usapin, nagkasundo na ang management at si Kidd para sa tatlong taong contract extention.

Nakatakdang ipahayag ang naturang kasunduan sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Napaso ang kontrata ni Kidd sa pagtatapos ng season. Tangan niya ang 74-90 karta sa unang dalawang season sa Milwaukee, kabilang ang 41 panalo para makausad sa playoff noong 2014-15.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Naging coach din si Kidd sa Brooklyn ng isang season na may kartang 44-38.

“I won’t bring that up. If that comes up some time this summer, then we’ll address it,” pahayag ni Kidd.

“The nice thing about this whole situation is we are going in the right direction and these younger players have gotten better,” aniya.