Tinanggap ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pagbabalik sa National Team ni Mary Joy Tabal.

Kasunod nito ang posibilidad na makasama siya sa Philippine delegation na sasabak sa Rio Olympics sa Agosto 5-21.

Nagkausap at nagkaayos na ang grupo ni Tabal at PATAFA sa pamumuno ni Philip Ella Juico matapos ang pagpupulong kahapon kung saan tinanggap ng asosasyon ang 27-anyos na si Tabal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It was a fruitful discussion and I am happy with the outcome,” sambit ni Tabal.

Pormal ding ibinigay ni Tabal ang letter of certification mula kay Run Ottawa president and race director John Halvorsen na nagpapatunay na kuwalipikado ang kanyang oras sa women’s marathon sa Rio Games.

Naging kontrobersiyal ang sitwasyon nang malagpsan ni Tabal ang Olympic time na 2:45 sa tiyempong 2:43.29, sa Scotia Bank Ottawa Marathon sa Canada noong Mayo 29.

Ngunit, ang paglahok ni Tabal sa torneo ay personal at hindi sanctioned ng Patafa matapos itong magbitiw bilang miyembro ng national team. Ilang kumpanya ang nagtulung-tulong para masustinahan ni Tabal ang gastusin sa paglahok sa Olympic trial.

Wala pang pormal na pahayag ang Patafa ngunit sinabi ni Juico sa naunang panayam na kailangan ni Tabal na magbalik sa koponan bago magdesisyon ang asosasyon. (Angie Oredo)