CEBU CITY — Nakumpleto ng University of the Visayas ang dominasyon sa University of San Jose-Recolletos sa impresibong 72-68 panalo sa Game Two para angkinin ang kampeonato sa 8th Cesafi Partner’s Cup nitong Sabado sa Cebu Coliseum.

Sa kabila ng kakulangan sa player, nagawang mangibabaw ng Lancers para makamit ang ikalawang sunod na kampeonato sa liga.

Naghabol ang Lancers sa 12 puntos sa second half, sa pangunguna ni Liberian import Bassiere Sackor at forward Jerome Napao tungo sa panalo.

Nanguna si Mike Macion sa naiskor na 18 puntos at 10 rebound, habang kumubra si tournament MVP Rey Suerte ng 14 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA