Naungusan ni Philip Oncita ng San Beda ang liyamadong si Dale Bernardo sa ikaapat na round para maipuwersa ang four-way tie sa junior class ng 24th Shell National Youth Active Chess Championships Manila leg nitong weekend sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.

Ginapi ng 13th-ranked na si Oncita sina Charles Lim, John Pascual at Phileo

Pagala sa unang tatlong round bago sinopresa ang top-seeded na si Bernardo ng Far Eastern U para sa ikaapat na sunod na panalo sa 9-round Swiss system tournament na pinangangasiwaan ng Pilipinas Shell.

Kasosyo ni Oncita sa liderato sina No.2 seed Julius Gonzales ng La Salle-Greenhills, No. 7 JesterSistoza at No. 14 Jamaica Marie Lagrio ng UE, may kalahating puntos na bentahe kina Alexis Suede ng RMCHS at 18 iba pa.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakuha naman ni second seed Kyz Llantada ng Arellano U ang solong liderato sa seniors division.